“BAKIT GINAWA PA ANG PDF FORMAT?” at iba pang tech talks…

======
Hindi ko makita ang advantage ng PDF Format. Bakit kasi gumawa pa ang Adobe ng bagong document format e pwede din namang MS Word Document. Ano naman kasi kung Portable ang isang PDF(Portable Document File). Di ba portable din naman ang .DOC format? Ah! Ibig sabihin pala ng portable ay cross-platform. Pwede sa Mac, Windows, UNIX at iba pang OS. Eh sa mundo na Windows-dominated…walang silbi ang PDF. 

Nakakatamd tuloy i-open yung mga help files at documentations ng mga applications kasi isang minuto bago mag-open yung Acrobat Reader….amf!

Nanggulo lang ng buhay ko yung bagong Yahoo Messenger Beta. It is prone to crashes at malakas kumain ng resources. Tapos nung ni-revert ko sa old version yung YM ko, nagkaroon rin ng problema. Application error kapag may click akong dropdown menus especially the button that changes your Status (Available, Invisible etc). Bwisit!

Malapit na yata mabulok ang PC ko. Sira na yata ang video card. Bigla na lang namamatay ang monitor pero may ilaw pa ang CPU. Pag pinindot yung Num Lock, hindi nagrerespond ang keyboard. At syempre, naghan na rin ang buong PC. Restart the system by pushing the Reset button…Swerte ka na kung nakapa-boot ng maayos. Minsan 2 seconds pa lang nalabas yung XP Logo restart nanaman siya automatically. Langya….

 

Leave a Reply