3RD ANNUAL SHORT FILM FESTIVAL

Our film became the 2nd Best Short Film. We’re just behind the grand prize winner. At medyo naasar lang ako dahil sa favoritism at pagka-unfair sa part ng mga organizers. 

Hindi naman sa nagyayabang pero may nagsabi sa akin na yung film nga namin ang dapat nanalo. Kasi naman, 2 rules ang na-violate ng winning film eh. Una, lumagpas sila sa 10 minute na time limit. The film clocked in at 11:27. Pangalawa, they didn’t submit the proper format. It should be in VCD format. Pano’ ko nalaman na hindi VCD pinasa nila? Kasi the movie was played in Windows Media Player at nung binuksan yung folder…ang mga file name ng mga files don ay hindi AVSEQ01.DAT. Kaya pala maganda yung picture quality kasi uncompressed yung video format.

Despite dun sa mga violations, they still got in. Okay naman yung film nila. It’s an ambitious film kasi maraming locations at magagarbo yung costume. Parang Encantadia talaga. The script is okay. Kailangan makuha nung bida ang 5 relika mula sa mga diyos at dyosa para maligtas ang buhay ng minamahal nyang sinumpa nung babaeng selosa. But thinking na 10 minutes lang to. The storyline is too much. Binawasan na lang sana nila yung mga dyos/dyosa na dapat pagdaanan para umigis yung film. Kaya yun, nag-suffer yung storytelling dahil rushed nga. Hindi masyadong nabigyang importance yung mga bagay at characters sa mundo nila. Mas maganda sana kung 30 minute film to.

And one more thing is, it lacks entertainment value. Nakakabagot at nakakasawa. Puro na nga lang elves at fairies ang nasa TV pati ba naman dito ganun? I think the film won because of its costumes and popular actors and not to forget…their efforts. They were told about the filmfest many weeks before….not to mention that they are also the group who won the Best Film last filmfest.

At eto pa kinasasama ko ng loob…there’s no Best Director nominations at all. And there’s this award called Best Editing Effects. Ano yun? Best Film Editing ba yan o Special Effects? Arrghh! Di nila alam ang line between editing and special effects. As expected, ang nanalo ay yung may best na special effects. Sayang, may laban pa naman daw kami sa film editing. Akala nila, napakadali mag-edit! Sa dami ng camera angles namin sa isang scene, napakahirap yatang pumili ng best angle! May art din kaya sa editing…

Okay…that’s enough. Ganun talaga buhay. Unfair. Pero masaya naman ako dahil mas maganda ang audience reaction sa movie namin. Kasi dun lang sa film namin (The Becoming) at Side B (yung 3rd Best Short Film) ang nakakuha ng emotional impact. Yun bang na-touch ang mga tao at naka-relate sa character. Pano ko nasabi? Yung mga “Aaaaahhhhyyyy…” ng mga audience at mga “Hiyeeee!!” nila ay proof na nakakuha ang character namin ng simpatya at kilig factors. I think yun talaga ang mahalaga.

By the way, nakuha din namin yung Best Actor award. Hehe. Siguro dahil popular sa buong Mapua yung main actor namin….heheh…Yung una, nag-aalangan kami kung kaya niya talagang umarte e. E ngayon? Biro mo? Best Actor? Ang saya ko nga dahil nag public apology siya sa akin at sa co-director ko e. Di ba? Nung sinabi nyang palpak ang script? link
P1,000 lang naman napanalunan namin as a class. Pero hindi pa alam kung ano gagawin dun.
Nandun sa event na yun si Ara Mina. 2:00 yung awarding ceremony pero dumating siya ng 5:30. Okay lang yun. Nakita ko naman siya e. Maganda siya. Artistang-artista. Sanay humarap sa tao. Tsaka malaki siya. I mean, kasinglaki ko lang siya sa height (kayo ha!)
After the ceremony, uwi ako ng bahay at tinapos uli yung film namin.

Ara Mina
Buti pa si Jong nakatabi nya si Ara Mina. Ako singit lang sa pic. Nalula kasi ako e….sa stage…mataas kasi yung stage e …hehe

Ha? Nanalo na nga ng award, tapos tatapusin pa lang yung film? Kasi, I plan to release the extended version of the film. This time, hindi na limited to 10 minutes. The Director’s Cut is about 18:57. Almost 9 minutes longer. Syempre, meron yung “enhanced visual effects” at other few minor tweaks. Nilagay ko sa VCD na may kasamang Menu (parang DVD) at bloopers.

Hay salamat…it’s finally over.

Gusto ko uling gumawa ng film. Kailan kaya ang susunod na opportunity? Sabi nila, bingyan daw ng kopya si Ara Mina ng Top 3 Films sa filmfest. Malay natin…mapunta sa isang taong naghahanap ng amateur filmmakers….Tapos yun na….Dadating na ang biggest break ko..Hehhe…Sarap mangarap!

 

Leave a Reply