Archive for May, 2005

GIRL IN RED

Posted in About Me on May 7th, 2005
Whenever I visualize the moment that I meet the girl of my dreams for the first time, I always see her wearing red dress with a particular design na ako lang ang nakakaalam. One time, nakapanaginip na din ako na na-meet ko na siya. I was in an escalator sa school namin (kahit walang escalator dun sa tunay na buhay) tapos pagdating ko sa taas, nakaabang na si woman in red. And then, natahimik ang mundo at narinig ko yung mahiwagang tugtog mula sa LOTR…. 


Ma-la-love at first sight kaya ako sa babaeng ‘to pag nangyari na to sa tunay na buhay? Malabo pa yung mukha niya e.
Pag nakaramdam ako ng kakaiba sa isang babae tapos naka-red pa siya…SIYA NA YUN!

 

CLUES OF THE FUTURE

Posted in About Me on May 6th, 2005
Minsan, nandyan na pala ang mga clue, hindi pa natin napapansin. Maaalala mo lang uli kapag nangyari na…
Eto yung mga early clues na nagdetermine sa aking future….
Read more »

FEELING BAD ABOUT A JAVA PROGRAM

Posted in School on May 5th, 2005
Na-depress talaga ako nung Tuesday dahil simpleng program lang hindi ko nagawang mabuti. Mali yung output. Sino bang hindi magagalit kung lahat na ng classmate mo tapos na at nag-uwian na at ikaw na lang ang hind pa tapos. Feeling ko, ang bobo-bobo ko talaga. Ewan ko kung bakit. Wala talaga yata ako sa mood. Nakakapressure pa kasi halos ikaw na lang natitira sa lab. Parang stressed-out na ewan.

Kasi naman, Thursday pa talaga klase ko sa Java. Nagpaalam lang ako sa prof na aatend ako ng Tuesday kasi nga pupunta kami ng Bicol. Wala pa yata sa kondisyon utak ko. Parang walang silbi tuloy ang pagpasok ko nung araw na yun. Tama naman logic ko….WAAHHH! Kaya ko ng gawin yan next time! Babawi ako!

 

ABSENT MUNA

Posted in Site Updates on May 4th, 2005
Mawawala muna ako from 7:30PM ngayon hanggang Linggo ng hapon..hindi ako makakapag-online dahil uuwi kami sa Bicol… 

Hay…ma-miss ko ang internet. Sana makapag-internet ako dun….
Di bale. May tatlong advance entries naman ako e. Enough na yun until Sunday. Auto publish naman, kaya gagawa na rin ako ng entry para ngayon, bukas at sa mga araw na wala ako…

 

NO EXTRA CURRICULAR ACTIVITIES

Posted in About Me on May 1st, 2005
I’m starting to worry for my resume. Wala akong extra curricular activites! Ewan ko ba kung bakit hindi ako mahilig magsasali sa mga ganyan. Wala naman akong trip sa mga club sa school e. Kung may society of young filmmakers, edi sasali ako. Isa kasi ako sa mga introverts ng ating henerasyon. Sa school tahimik lang ako. Lalo pag di ko kilala yung mga classmate ko. Hindi ako mahilig makipagsosyalan. Sumasabog lang ako pag kilalang-kilala ko na yung tao… Read more »