Archive for May, 2005

WHEN I GET OLD…

Posted in About Me on May 16th, 2005
Naisip ko lang kanina to sa bus… 

Kasi napansin ko, wala nang gaanong gentleman sa Pinas. Hindi na pinapaupo yung mga babae at matatanda. Kung babae ka, makakaupo ko lang talaga pag type ka ng mag-o-offer ng seat sayo o kaya pag buntis ka or may dala kang baby or kasama mo yung GF mo. (Nagi-guilty nga ako kanina dahil malayo ako sa matanda kaya hindi ko ma-offeran ng upuan) Ngayon, parang bahala na yung mga babae. Somehow, it’s great because it could be a sign of egalitarian society. Pantay pantay babae at lalake. Kumbaga, bahala ka sa buhay mo dahil nahuli kang sumakay ng bus.

Naisip ko lang…pano pag matanda na ako…will anyone care to offer me a seat? I don’t think so. Unless I’m crippled.

Naisip ko rin, tatanda kaya akong “fulfilled”? As in I’m in the point of self-actualization (Maslow’s Heirarchy of Needs)? I’m gotta work it out habang bata pa ako…

 

QUEZON CITY LAGI

Posted in Complaints on May 14th, 2005
Dapat ibalik na sa QC ang capital ng Pilipinas. Parating QC ang na-e-expose. Sa TV, radio at newspapers, puro QC. Palibhasa kasi yung TV stations ng Pilipinas nasa QC lahat. QC, QC, puro na lang QC…
Read more »

THIS IS IT…THE TIME HAS COME!

Posted in About Me, Daily Lives on May 13th, 2005
The opportunity is coming! There’s a short film festival in school and every Social Science class are required to join! Ano pang hinihintay ko? Edi I grab the opportunity! Ewan ko nga kung bakit ako biglang nanlamig at kinabahan nung time na pinag-uusapan na kung sino yung dapat involve sa project. Feelong ko parang sasabak ako sa stage o magrereprt sa klase. Nanginginig at nanlalamig ako. Siguro natatakot ako na hindi ko makuha yung job as a director.

Ginawa nila akong film editor because I used to edit films for my powerpoint prsentations in the class. Pero kinapalan ko na mukha ko, humirit ako ng isa pa. Sabi ko gusto ko din mag direk. Kaya yun…dalawa kami magdidirek..kasama yung scriptwriter. 

Ngayon pa lang navo-visualize ko na ang movie sa utak ko. Sana malagay ko sya sa film…
Kaso mahirap, 10 minutes lang ang maximum duration including credits! Ano yun? Mas maigsi pa sa isang episode ng Spongebob o isang episode ng Muchas Grasas sa Bubble Gang?

IT IS TIME! Time for me to shine! Hehehe

 

MIXED THEMES

Posted in Site Updates on May 13th, 2005
May identity crisis ang blog ko…. 

In preparation of the final Star Wars movie, I created the banner above. Syempre hindi ako papayag na mawawala ang mga elements ng LOTR dito kaya I combined the quotes from Star Wars and LOTR. Pinagsama ko yung quote ni Palpatine at Elrond...(just check it out on the right side of this page). At dahil excited rin ako sa next Harry Potter movie, I made a banner using the images from the recent trailer. It can be found at the bottom of the page. Parang footer. Hehe…

 

THIS IS NOT SUPPOSED TO BE MY ENTRY TODAY…

Posted in Uncategorized on May 11th, 2005
I was about to publish an entry yesterday but it turned out that the entry didn’t want to be published! Biglang nag-brown-out! At nawala ang buong entry ko! Hindi ko na-save! I guess the entry will surely offend other people that’s why the entry speak for itself. Ayaw niya magpa-publish…

Anyway, I’ll try to do it again…maybe tomorrow….walang makakapigil sa akin. Blogging is all about personal opinions anyway…

Next time ko na lang kwento yung bakasyon ko sa Bicol…after the controversial entry…

CAN THIS BE LOVE MOVIE REVIEW

Posted in Movies on May 9th, 2005
Hehe..Joke…tingin nyo ba ako’y isang taong magsasayang ng oras at manonood ng isang trashy local movie at pupunta sa harap ng computer upang sumulat ng review? HELLO?!? Medyo mataas ang colonial mentality ko pagdating sa local movies…mapipilit lang ako manood pag kailangan sa school tsaka pag dumating na yung time na maganda ang sound quality ng mga dialogue atbp sounds. Isa pa, obvious naman kung ano kwento nyan: Magkakakilala > Maglalandian > Mag-aaway > Magbabalikan > kung may time pa…magsasayawan sa beach…