REVISITING THE ORIGINAL STAR WARS TRILOGY

Showing na ang Star Wars sa theaters pero hindi ko pa pinapanood. Actually, hinihintay ko lang yung mangli-libre sa akin…si Chris. Hehe. At siyempre, hindi ako papayag na manonood ako ng Revenge of the Sith ng hindi handa. Dapat may necessary preparations. Buti na lang nakabili na ako ng Star Wars Trilogy na pirated sa Quiapo. P240 lang including the Bonus Disc. Tinatamad kasi akong isalang yung old VHS copies ko e. Low-tech na. Tsaka 1997 edition pa yun. Basta gusto ko lang namnamin uli ang original trilogy. Matagal-tagal ko na ring hindi napanood yun e. At least, kakaiba uli ang feeling. Parang first time. Di ba? The best way of viewing a movie is watching it for the first time….At gusto kong mai-connect ng mabuti yung events sa Episode IV sa Episode III. Kasi syempre, fresh pa sa memory ko. As of now, I still have to watch (again) Empire and Jedi tomorrow. Tapos sa Saturday na yung Attack of the Clones. Wag na yung Phantom Menace…maaasar lang ako kay JarJar e…Tapos diretso agad sa theaters after Clones. Parang yung ginawa ko sa Matrix Revolutions at Return of the King…

 

Leave a Reply