QUEZON CITY LAGI

Dapat ibalik na sa QC ang capital ng Pilipinas. Parating QC ang na-e-expose. Sa TV, radio at newspapers, puro QC. Palibhasa kasi yung TV stations ng Pilipinas nasa QC lahat. QC, QC, puro na lang QC…

Siguro masyado ko lang mahal ang aking munting bayan, ang Muntinlupa (kakanta ng Muntinlupa March) kaya naiinggit ako sa exposure ng QC sa TV. Yung mga police report sa TV laging sa QC nagaganap. Siguro kasi tinatamad na maglibot yung mga reporter para humanap ng balita kaya naghanap na lang sila ng marereport right on their doorsteps. 

Para tuloy lahat ng saksakan, rape, raid, prostitution, special gatherings, concerts atbp nangyayari sa QC. Parang ang Pilipinas ay QC! Tapos pag maraming walang makain sa QC, lalahatin naman ng reporter, sasabihin niya naghihirap na ang buong Pilipinas. Puro QC na lang nakikita nila lagi.

Tapos nagmamayabang ang QC dahil sila raw ang pinkamalaking kita last year out of all cities in Metro Manila. E gago pala sila e. Paanong hindi lalake yan e ang laki ng land area ng Quezon City. 60% yata ng Metro Manila, puro QC may-ari. Kawawa naman tuloy yung Navotas, parang butas na lang sila sa mapa ng Metro Manila.

Whew! Pati ba naman QC pinapatulan ko…inatake nanaman ako ng ka-weirduhan..parang hate-related yata mga posts ko this week…

 

Leave a Reply