CAN THIS BE LOVE MOVIE REVIEW
Hehe..Joke…tingin nyo ba ako’y isang taong magsasayang ng oras at manonood ng isang trashy local movie at pupunta sa harap ng computer upang sumulat ng review? HELLO?!? Medyo mataas ang colonial mentality ko pagdating sa local movies…mapipilit lang ako manood pag kailangan sa school tsaka pag dumating na yung time na maganda ang sound quality ng mga dialogue atbp sounds. Isa pa, obvious naman kung ano kwento nyan: Magkakakilala > Maglalandian > Mag-aaway > Magbabalikan > kung may time pa…magsasayawan sa beach…
Pang attract lang yung title … wala kasi akong maisulat e. Trip ko lang naman. Nagkataon pang nakita ko sa TV yung commercial ng movie na to…
Anyway, bukas ko pa ikwekwento yung vacation namin sa Bicol. Pagkagising ko nga kaninang umaga, naginternet agad ako para makita yung mga na-miss ko sa blog at email ko for the past 4 days. Di ako makatiis. Nagsearch na rin ako ng satellite images ng Mayon Volcano…
Right now, nagda-download ako ng teaser trailer ng Harry Potter and the Goblet of Fire at yun nga, nag blog muna para di sayang ang internet…Ang saya ng trailer…nakita ko na sina Fleur, Vicktor at Cedric, yung goblet, yung maze, yung dragon, mermaids at maraming Quidditch…saya…kumpleto na araw ko…
Â