CLUES OF THE FUTURE
Eto yung mga early clues na nagdetermine sa aking future….
Â
Â

Â
1. Yung paboritong kong lugar along South Expressway ay yung subdivision (Hillsborough) na may clock tower. Natutuwa ako pag dumadaan don nung bata ako. In fact, lagi kong inaabangan yun. Yun pala, sa loob ng subdivision na yun, dun pala ako mag-ha-high-school! Nakakuha ako ng scholarship sa isang exclusive school. Ang galing…Akala ko isang malaking bahay lang yun dati. Ayun pala, yun na pala yung PAREF Southridge School.
2. Nung nasa time pa lang ako ng pag-iisip kung saan ako mag-ka-college, naghahanap na ako ng sign kung saan nga ba ako papasok. One day, nakasakay ako sa isang pedicab na may sticker na UST sa labas. Feeling ko nun, sa UST na talaga ako papasok. Pero…hindi naman nagyari di ba? Sa Mapua ako napadapad. E bakit ganun? One day (nag-aaral na ako sa Mapua), nakasakay uli ako sa pedicab na yun. I was very surprised to see na may sticker din pala ng “Mapua” sa loob ng pedicab! Ewan ko lang kung bagong lagay lang yun pero feeling ko matagal nang nandun yung sticker. Hindi nga ako nagkamali, nasa pedicab na yon pala an susi kung saan nga ako magka-college.
3. Yung favorite kong billboard ng JVC sa Alabang …yun pala yung magiging brand ng pinakakahiling kong DVD player…
(bakit favorite na billboard? kasi yun na lang ag natitirang billboard na may neon lights at saka elementary pa lang ako, nadun na yun)
Nakita ko na kaya ang mga clues kung saan ako magtratrabaho pagka-graduate ko? Dun kaya sa may building na patusok sa Ayala na lagi kong nakikita sa Skyway? Ano kayang magiging papel ng jeep na may logo ng Philippine Airlines (na lagi kong nakikita sa daan) sa buhay ko? Yun kaya ang masasakyan kong jeep sa first day of job ko? O kaya yung jeep na masasakyan ko pag-uwi ko galing sa work abroad? Who knows? Eh yung girl of my dreams? Nagparamdam na kaya? (see tomorrow’s entry…)
Â