NO EXTRA CURRICULAR ACTIVITIES

I’m starting to worry for my resume. Wala akong extra curricular activites! Ewan ko ba kung bakit hindi ako mahilig magsasali sa mga ganyan. Wala naman akong trip sa mga club sa school e. Kung may society of young filmmakers, edi sasali ako. Isa kasi ako sa mga introverts ng ating henerasyon. Sa school tahimik lang ako. Lalo pag di ko kilala yung mga classmate ko. Hindi ako mahilig makipagsosyalan. Sumasabog lang ako pag kilalang-kilala ko na yung tao…At saka ayokong umattend ng mga kung ano-anong meetings. Sa halip na uuwi na ako, maghihintay pa ako ng mga 2-3 hours para umattend sa meeting ng club na wala namang nagyayari. Kadalasan naman sa mga meeting na ganyan, pataasan lang ng ihi yung mga members kaya walang magandang outcome. 

Kung ganyan lang lagi, mas mabuti pang umuwi na lang ako. May pagka-taong bahay kasi ako. Hindi mahilig gumimik. Ano kayang masaya sa pagdi-disco? Kapag nanonood ako ng mga nagdidisco sa movies, natatawa ako. Parang “high” yung mga nagsasayaw tapos tuwang tuwa na sila dun. Bagay talaga siguro sa akin maging computer programmer…pang introverts. Ewan ko ba…parang wala akong talent. Kahit anung pilit ko, di ko kayang mag-gitara. Hindi ko maabot yung mga strings. Eh… Gusto kong ma-enhance ang filmmaking talent (sana nga talent ang matatawag dun) ko pero walang opportunity. Ano kayang mangyayari sa akin?

 

Leave a Reply