OF SHAMPOO AND DETERGENT SOAP ADS
Bakit laging may “new and improved” edition yung mga sabong panlaba? Ibig sabihin yung previous editions hindi nakakatanggal ng mantsa masyado? Ibig sabihin kulang pa yun? Mas acceptable pa yung mga bagong ads na nagsasabi na mas pinalaki nila yung detergent bar o mas pinamura. Pero yung mga dagdag features like “more power cleanser”, “more anti-bacterial agents” etc …parang panloko na lang sa tao. Buti pa yung Ariel, wala nang bagong pakulo. Pare-parehas lang yung commercial kasi yung Ariel, wala nang ii-improve pa kasi the best na yun. Baka next time may super microscrubbers, super mega microscrubbers, ultra super mega microscrubbers…..etc I’m not endorsing Ariel…hehe
Ganyan talaga sa advertising….sana makaisip sila ng bagong pakulo. Sana sa susunod, pwede nang kainin yung shampoo. O kaya pwede ihalo sa ulam (parang tomato sauce)…Sana next time yung mga detergent bars pwede na ring gadgarin at ihalo sa spaghetti. At least may idea na sila…
June 5th, 2006 at 12:06 am
[…] Dati, I made a post about shampoo commercials. Kasi ba naman, parang 40% ng airtime napupunta sa shampoo commercials. Parang puro buhok na lang inaatupag ng mga babae. […]