NO REGRETS

Medyo sariwa pa sa aking alaala ang pangyayaring ito sa bus. Nagbayad ako ng P50 sa konduktor. Tapos binigyan ako tiket worth P16. Dapat may sukli pa ako…subalit (ang lalim na Tagalog yan a), hindi nya agad ako nasuklian bagkus (isa pang malalim na Tagalog), siningil nya muna yung iba. Tapos bigla siyang umalis. Akala ko, kukuha lang ng barya…yun pala, magpapahinga na siya sa harap ng bus! WHHAATTT! Nakalimutan nyang may sukli pa ako!! May P16 pa ako sa kanya! Nahihiya akong tawagin kasi nasa dulo ako ng bus at nasa harap siya. Di ba? Ang layo? Balak ko sanang hingin pag bumaba na ang 90% ng mga tao sa Alabang. Pero nung dumating na sa point na yun, lumapit ako sa harap tapos nakita ko yung konduktor na naka-relax na. Wala nang T-shirt at nagyoyosi pa. Natatakot ako i-approach baka mabad-trip (wala na siyang hawak na pera). Baka hindi siya maniwala na may nakalimutan siyang suklian….  

Sabi nga nila, ganyan talaga ang buhay. Kaya pinabayaan ko na lang na “maging ganun ang buhay ko” kahit minsan lang. Did you get the point? Gusto ko namang malasin kahit minsan sa buhay ko. I have so many blessings to enjoy…kaya I just let that P34 go kahit pang-rent ko pa yun ng 2 VCD at pambli ng 3 Mentos. Na-maintain ko scholarship ko for almost 2 years, maganda lagi schedule ko sa school (inggit sa akin mga classmate ko), masaya ang family namin, cute yung pusa namin etc…kaya hinayaan ko na yun…

Sana lang maganda maging purpose ng perang yon. Sana ang P34 na yun ay enough to feed P12,000 street children. (Ha? Anu yun? Tigpi-pisong pandesal at hahatiin ng tig-5 grams?) Basta sa susunod, hindi ko na papayagang mangyari yun ulit (kung modus operandi ng konduktor yun)…

 

Leave a Reply