WALA AKONG CELLPHONE

Bakit ba abnormal ako? Bakit kahit kailan hindi ko pinangarap magka-celfone? Kahit ba imudmud sa mukha ko ang P5000 hindi pa rin yun ang una kong bibilhin…I’d rather buy DVD titles…
It’s so strange that many people would do anything makabili lang ng cellphone.
Hindi ko ba makita ang importance ng isang cellphone? Nabubuhay naman ako ng walang cellphone…nakakahiram naman ako sa ate ko…

Pag tinatanong ako ng iba: “Wala kang cellphone?”, wala lang sa akin. Parang “so what?”

Kailangan ba lahat ng Pinoy may cellphone? Ako na lang ba ang walang cellphone sa Pilipinas?

Siguro a time will come na magkakandarapa na ako sa nanay ko para ibili ako ng cellphone….Siguro pag nagka-girlfriend na ako o kaya may work na ako sa isang liblib na lugar…Kusa namang dadating yan sa akin kahit di ako humingi…heheh

One Response to “WALA AKONG CELLPHONE”

  1. Digital Fortress » Blog Archive » My First EVER Cellphone Says:

    […] Syempre, nung naghahanap ng trabaho, dun ko pa lang naisip na kelangan may sarili na akong phone na ako para matawagan ako ng mga companies. Pero nagkatrabaho na ako, wala pa rin ako cellphone. Kung hindi pa nag-presinta yung tatay ko na ibili ako ng cellphone, hanggang ngayun siguro wala pa. 2 years ago, I made this post na parang nagkatotoo nga yung sinabi ko noon… […]

Leave a Reply