GAME KA NA BA?

One of my favorite shows. I admit it. Kapuso ako pero mas gusto kong manood ng Game Ka Na Ba kaysa sa Eat Bulaga. Minsan nga parang gusto kong maging studio contestant e. Kaso mahirap talaga yung ibang tanong lalo sa First Round ng Elimination. Swertehan lang. Malas mo pag di mo talaga alam yung sagot. Minsan napasimple ng tanong. Common sense lang kailangan.
Tapos si Kris Aquino laging tinatanong yung lovelife ng mga contestant. Naiinggit pa siya pag happily married yung contestant. Siya kasi hindi. Tapos pag mali pa yung sagot, mang-aapi pa. Heheh. Nahulaan ko once yung 1 million peso question. (Company na nag-patent ng Happy Birthday song). AOL Time Warner Company answer ko pero the answer is Time Warner Inc. Eh ganun din yun e. Tinanggal lang sa name yung AOL pero parehas lang yun.

Sayang nanalo na sana ako ng Norkis Yamaha Motorcycle….itanong ba naman ang nine members ng Fellowship of the RIng? Duh?? Yung contestant ba naman, sinalli pa si Faramir at Elrond. He got eight. Not bad ata all. Nakalimutan niya lang si Sam.
Tinanong na rin nga yung titles ng all Star Wars movies. Napakasimple. Swerte ng contestant, Star Wars fan siya. Pati nga pagpapalit ng? name ng Mapua sa Malayan, natanong na e. Sabi ni Kris: “It pays to read the news” Walang kaalam-alam yung mga contestant.

 

Leave a Reply