PINOY SOAP OPERAS…
Posted in Television, Entertainment on March 31st, 2005One day, nagmasid ako at nabuo ko ang list na ito…Eto yung mga LAGING nangyayari sa mga soap opera ng mga Pinoy…
1. Pag naghahalikan ang dalawang hindi dapat maghalikan, nahuhuli ng karibal.
2. Mother’s role: Payuhan ang anak tungkol sa pag-ibig (”Anak, sundin mo ang nilalaman ng iyong puso…”) —> Tulad nung “Sana’y Wala Nang Wakas”, lahat ng scene ni Cherry Pie Picache at Kristine Hermosa, nauuwi sa payuhan.
3. Involving love triangles: Para mapunta si lalake kay Girl A, kelangan mamatay si Girl B. Dapat may sakit na walang lunas si Girl B.
4. Laging nag-aaway sa harap ng hapag-kainan. Laging hindi natatapos ang pagkain kasi laging may character na nag-wo-walk-out. (Laging hotdog ang almusal)
5. Pag masama ang loob, mag-iinarte sa kwarto at i-ko-comfort ng friend o nanay. Minsan, magwawala pa at maghahagis ng flower vase at kung anu anu pang babasagin.
6. Pag namuhi sa isang tao, sinusunog ang picture at anumang bagay na makakapag-paalala sa taong ‘yon.
7. Amnesia….
8. Akala patay na, ayun pala buhay pa, pero may amnesia nga lang.
9. Pag nag-iba ng name ang character ng isang may amnesia, hindi makikilala na mga dati niyang close friends…Laging “magkamukha” lang.
10. Pag akala mo patay na ang kontrabida, there is always a way para mabuhay siya (para maghigante)
11. Laging kidnapan ang climax ng kwento…lagi sa warehouse dinadala ang victim
12. Pag nakatanggap ng bad news sa phone, bago ibaba ang phone, tititigan pa ang mouthpiece at mag-iinarte.
13. Lahat ng mayaman, naka-make-up at nakapang-alis kahit nasa bahay.
14. Laging mayaman at mahirap ang involved.
15. Laging tungkol sa nawawalang anak, nanay. Anak sa labas, ampon, kabit at ex-wife…
16. Pag nalaman ng character na ampon lang siya, magwawala ant kamumuhian ang nanay (”Pinagmukha niyo akong tanga!”) —> buti nga inalagaan ka e.
17. Kapag ikakasal ang isang couple, sikat man o hindi, laging nakikita ng kontrabida ang announcement sa newspaper.
Keep the list growing!
(post your entries on the comments page)
Â

