MAY PET FISH NA KAMI!!!

Binigyan ang ate ko ng dalawang isda ng kanyang mga estudyante….yehey! Isang goldfish tsaka isdang mukhang dilis. Kaso nga lang…pinalitan namin ng tubig NAWASA at namatay ang isang goldfish! Masama ata yung NAWASA dahil chlorinated yun kaya sa poso na lang kami kumuha (tama ba yun?) After one day, bumili kami ng isang goldfish para may kasama yung isa. One day, pinaglaruan ko yung dalawa at biglang tumalon sa tubig si goldfish!!! Nahulog sa sahig! Nagpanic ako!!! Buti na lang naibalik ko ng buhay!

Siguro ang tingin na nila sa akin, ako ang counterpart ni Darla (sa Finding Nemo)….

Leave a Reply