THAT FATEFUL DAY….
It is the last day of our CWTS at sana hindi na ako pumasok sa school dahil wala din pala akong gagawin. At ngayon, dala ko ang CDROM na bibilhin sana ni Matt sa akin for P700 dahil yung CDROM niya has just stop spinning. Nasira na! Tamang-tama kasi bibili kami ng Baron Super Antenna dahil malabo TV namin. Matt promised to pay me at the end of the month. Subalit (naks), excited masyado ang ate ko na makabili ng antenna kaya pera niya daw muna.
Nagkita kami sa Metropolis na Matt at medyo bad trip na ako kasi ang tagal niya at gutom na talaga ako. First time ko makapunta kena Matt….dun lang pala sa tapat ng Alex Barber Shop bago mag-baranggay hall ng “pinagpalang” baranggay ng Cupang (ayon sa arko sa may boundary ng Cupang at Alabang). Maraming similarities bahay namin sa bahay nila….pati gamit. Na de-deja vu nga ako sa kanila e.
Anyway, first thing first. Inalis ko na yung CDROM nila sa PC at kinabit ang akin. Gumana. Nag-install kami ng sandamukal na program at suddenly. Habang nag-iinstall pa kami ng iba, kinalikot muna namin yung CDROM niyang sira kaya binuksan namin at tiningnan kung pano ba yun nagana. Pinapupukpok namin para sumara kasi minanual namin yung pag-open dahil nangigigil kami sa CD Drive na yun.
Nung maglalagay uli kami ng CD sa CDROM ko para mag-install ng program, ayaw na bumukas. Kahit ilang pindot na sa eject button ayaw pa rin. In-eject na namin thru My Computer (right click tapos eject) ayaw pa rin. Naiiyak na si Matt. Sabi ko gagana pa yan, ganyan lang talaga yan minsan.
Hope fades….wala kaming magawa kaya naisip namin na ibalik ang sirang CD drive sa PC ni Matt. Edi lagay-lagay…..then, we pressed the eject button…bumukas…..lagay CD………NA READ!!!! WHHHAAATTTT???!?? Naayos ang CD ni Matt? Nasira ang akin? WHAAAAAAAHHHHHHH!! Pano ang antenna? Nakabili na sila! Wla na akong P700!!! Whaaaahhh!
Wala na…ganun tlaga buhay….bakit nalipat sa kanya ang swerte?…..Waaahhhh!!!! Naawa nga sa akin si Matt e. Lilibre niya na lang daw ako sa Spiderman 2.
Â