Archive for June, 2004

BAKASYON NA

Posted in Daily Lives on June 30th, 2004

Masaya na ako sa isang 13 days na vacation na ‘to. At least next quarterm, maluwag na sked ko….wala ng NSTP sa linggo at PE!!!
I can’t believe na natapos ko ang apat na semester sa loob ng isang taon!!! May natutunan ba ako? Meron naman….hehehe….mabait po akong estudyante….Sa July 4 (12 mn) ko pa malalaman ang mga grades ko…

THE HAUNTED MANSION MOVIE REVIEW

Posted in Movies on June 24th, 2004
 

 

I just saw Walt Disney’s Haunted Mansion on VCD and it was very awful. Not scary, not funny. Eddie Murphy is corny. Sa sobrang panget at sobrang nakakatamad (nasa gitna na yung movie wala pa ring nagyayari), hindi ko na siya tinapos…hanggang CD 1 lang…

RATING: 3/10

 

TV COMMERCIAL MISTAKEs

Posted in Television, Entertainment on June 24th, 2004
Close-up’s “Cool! Sweet!” Commercial:


Notice the guitar at the back of the car….nag-iiba ng itsura habang umaandar ang car.

Rejoice “Nagulat kayo no?” Commercial:


Look at the girl na kamukha ni Sandara. Nung nakatalikod siya, meron siyang earphone. But when her two friends arrive, pag-harap niya, bigla na lang nawala (hindi basta natanggal o nahugot sa tenga niya.)

 

REKLAMO OF THE DAY

Posted in Complaints on June 24th, 2004
MGA MUKHANG KATULONG…

Bakit kaya kapag panget ang babae, mukhang katulong agad ang naiisip natin?

Lahat ba ng katulong panget?

Ano kayang masasabi ng mga katulong dito. Nasasaktan ba sila?

 

THAT FATEFUL DAY….

Posted in Daily Lives on June 20th, 2004
It is the last day of our CWTS at sana hindi na ako pumasok sa school dahil wala din pala akong gagawin. At ngayon, dala ko ang CDROM na bibilhin sana ni Matt sa akin for P700 dahil yung CDROM niya has just stop spinning. Nasira na! Tamang-tama kasi bibili kami ng Baron Super Antenna dahil malabo TV namin. Matt promised to pay me at the end of the month. Subalit (naks), excited masyado ang ate ko na makabili ng antenna kaya pera niya daw muna.
Nagkita kami sa Metropolis na Matt at medyo bad trip na ako kasi ang tagal niya at gutom na talaga ako. First time ko makapunta kena Matt….dun lang pala sa tapat ng Alex Barber Shop bago mag-baranggay hall ng “pinagpalang” baranggay ng Cupang (ayon sa arko sa may boundary ng Cupang at Alabang). Maraming similarities bahay namin sa bahay nila….pati gamit. Na de-deja vu nga ako sa kanila e.

REKLAMO OF THE DAY

Posted in Complaints on June 17th, 2004
BILLBOARD NI RAINIER CASTILLO SA ALABANG

Nakakadiri talaga yung billboard ni Rainier dyan sa may Metropolis Alabang. Lagi ko kasing nakikita pag napasok ako sa school. Nasisira ang araw ko!!!

Pano ba naman? Bench FiX hair gel ang ini-endorse tapos nagpakita pa ng isang dibdib si Rainier! Kadiri! Nilalagyan ba ng gel ang dibdib?

Â