ANOTHER MOVIE DAY WITH AILEN

Ako pa ang na-late sa meeting namin ni Ailen sa Festival Mall. We watched The Day After Tomorrow. Hindi naman ganun kaganda pero okay lang. Sana Shrek 2 na lang pinanood namin.

Bago kami nanood bumili muna kami sa McDo ng kakainin. And after the movie, chineck namin kung nandun nga si Kris Mendigo at yun nga nandun siya. Gusto nga lapitan ni Ailen kaso hindi niya kami napapansin. Kahit nagpapansin kami nang nagpapansin wala pa rin. Lumabas pa kami ng mall para lang masilip siya di pa rin kami nakita.

Aba si Ailen, mahaba na ang hair (ang buhok). Hindi pa nagpapagupit mula nang manood kami n ROTK sa ATC. Nakakatawa nga kasi hndi man lang niya pinapansin yung mga nagbibigay ng free sheet of paper na may pabango (anu bang tawag dun?).

You have to highlight the empty space to see the hidden picture above…

All in all, masaya. Kahit may pagka-alienistic nga siya. At sana ma-try naming manood uli sa June 2 ng Harry Potter 3. Yun ay kung di namin kasama ang mga “brethren” namin…

Leave a Reply